-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naglaan ng P400 million ang Departmet of Agriculture (DA) para sa repopulation ng mga baboy sa mga lugar na deklarado nang African Swine Fever (ASF)-free.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar sa Bombo Radyo Legazpi, naghahanap pa ang ahensya ng dagdag na pondo para sa laban kontra sa ASF.

Subalit habang nagpapatuloy pa ang problema sa virus na pumapatay sa mga baboy, alternatibong livelihood support muna ang payo ng tanggapan.

Sa pagtutulungan, kumpiyansa si Dar na malalagpasan ang matinding hamon.

Maliban pa sa baboy na source ng protina, pwede rin sabi ni Dar na bumili muna ng isda at manok.

Importante rin ang pagtatanim para sapat ang pagkain at sustansiyang kinakilangan ng katawan para sa magandang kalusugan.