-- Advertisements --

La Union -Umabot sa Four hundred eight thousand pesos (P408,000.00) ang halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib-pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA ISPO), PDEA Ilocos Norte Provincial Office (PDEA INPO), Police Regional Office I-Regional Drug Enforcement Unit (PRO I-RDEU), Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit (ISPPO-PDEU), Ilocos Norte Police Provicial Office-Provincial Intelligence Unit (INPPO-PIU), Narvacan Police Station at Santa Police Station, na nagresulta sa pagka-aresto ng tatlong high-value target drug personalities sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur, noong October 23, 2023.

Kinilala ni PDEA Regional Office 1 Director Joel B Plaza ang mga suspect na sina Rogelio L. Banggao, residente ng Paoay, Ilocos Norte; Romeo L. Gonzaga, residente ng Balot, Tondo, Manila, at si Violito B. Bendanio, residente ng Norzagaray, Bulacan.

Nakuha sa operasyon Ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na mahigit-kumulang 60 gramo na nagkakahalaga ng P408,000 pesos gayundin nakumpiska ang pinaghihinalaang fresh marijuana leaves na may timbang na mahigit-kumulang na anim na gramo na nagkakahalaga ng P744,000 pesos, limang mobile phones, isang bundle ng plastic sachets na walang laman, sling bag, pouch, lighter, tooter at ang buy-bust money.

Haharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11, at 26 ng Article II ng RA 9165, o Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspect na kasalukuyang nakaditene ngayon sa PDEA RO I sa Camp Diego Silang, Carlatan, San Fernando City, La Union.