Nakumpiska ng Department of Agriculture at National Meat Inspection Service ang tinatayang 130,000 kilo ng smuggled na poulry at isda na nagkakahalaga ng P40 million sa ikinasang raid sa 2 cold storage facilities sa Navotas.
Ang naturang pasilidad ay ininspeksiyon ng raiding team sa San rafael village matapos ang isang buwang imbestigasyon.
Ayon sa DA, nadiskubre sa nasabing mga pasalidad ang kahun-kahon ng peking duck, balck chicken, duck embryo at iba’t ibang isda na pinaghihinalaang ipinuslit lamang sa bansa.
Ilan sa mga nadiskubre na polultry at isda ay deteriorated na.
Ayon kay Dennis Solomon of the DA’s inspectorate and enforcement team ang naturang mga item ay ipinagbabawal na nagpapatunay na smuggled nga ang mg aito.
Una na kasing ipinagbawal ng DA ang pagbebenta ng Peking duck mula sa China para maiwasan ang pagkalat ng bird flu.
Samantala, ipinag-utos na ang lokal na pamahalaan ng Navotas ang pagpapasara sa mga psilidad habang tinurn-ver naman sa city government ang nakumpiskang mga produkto para sa maayos na disposisyon.