BAGUIO CITY – Aabot sa P41.2 million ang halaga ng libu-libong marijuana plants ang sinira ng mga otoridad sa isinagawa nilang tatlong araw na eradication operation sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Isinagawa ang nasabing operasyon noong May 12-14, 2021 sa ilalim ng Oplan May Hemp ng Barangay Drug Clearing Program ng PDEA-Cordillera at Oplan Dragonfly ng Kalinga Police.
Natuklasan mula sa isang plantation site na may lawak na 8,000 metro kwadrado ang higit kumulang 80,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P16 million.
Natagpuan din doon ang 210 kilos ng inani na at pinatuyong maijuana plants na nagkakahalaga ng P25.2 million.
Agad nilang sinunog ang mga kontrabando maliban sa kinuha nilang samples na magsisilbing ebidensiya.
Gayunman, walang nahuling marijuana cultivator sa kasagsagan ng operasyon.