-- Advertisements --
image 460

Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na maglaan ng P418 million elctricity subsidy para sa 4 million mahihirap na pamilya upang maibsan ang kanilang pasanin sa gitna ng inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Senate ways and means committee chair Senator Sherwin Gatchalian na ang pagbibigay ng karagdagang P1 sa subsidiya ng pamahalaan para sa bawat kilowatt-hour (kWh) na kinokonsumo ng mahihirap na pamilya ay maaari pa nilang mailaan para sa pagbili ng ibang kinakailangan gaya ng 7.5 kilos ng bigas kada buwan.

Maaari aniyang kunin ang pondo para sa financial aid mula sa P5.3 trillion na pambansang pondo para ngayong taon.

Ang mambabatas ang may-akda rin ng Republic Act No. 115521 o ang Lifeline Rate Extension Act na angbibigay ng state subsidies para sa lifeline customers o ang mga komokunsumo ng mas mababa sa 100 kWh kada buwan.

Base sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang savings mula sa lifeline electricity rates ay sapat para makabili ng 5.6 kilo ng regular-milled rice. Kayat ayon sa Senador, sa pamamagitan ng panukalang karagdgang subsidiya matutulungan ang mga mahihirap na papmilya na magkaroon ng buwanang savings na P296.67.