LA UNION – Halos umabot na sa 29,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansang Switzerland at may halos 1,300 ang bilang ng mga namatay.
Ito ang sinabi sa Bombo Radyo La Union kay news correspondent Ferry Camat, tubong Barangay Sto. Domingo Norte, Luna, La Union, isang retiradong nurse, at 40 years nang naninirahan sa nasabing bansa.
Ayon kay Camat, hindi umano ipinagbabawal sa kanila ang lumabas at hindi rin obligado ang pagsuot ng facemask bagamat lagi umano silang pinaaalahanan ng pagiging maingat.
Gaya ng ibang bansa na may tulong ang gobyerno, ang Switzerland ay nagpalabas ng P42 billion na para sa risky package para sa ekomoniya.
Samantala, halos 70% ng kanilang sahod ang ibibigay ng tulong ng gobyerno dito para sa mga employed at self employed na indibidual sa pamamagitan ng employment fund nila sa loob 1 year six months.