-- Advertisements --
shabu illegal drugs

Sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 ang mga iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P42 milyon sa lungsod ng Zamboanga.

Binubuo ang mga ito ng 6,232 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800 kada gramo na may kabuuang street value na P42.3 milyon at 538 gramo ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P120 kada gramo o kabuuang P64,613.18.

Sinira ang mga ito sa pamamagitan ng thermal destruction, isang paraan na gumagamit ng init na hanggang 800 degrees Celsius, sa isang local canning facility.

Ang aktibidad ay sinaksihan ng Zamboanga City government, Philippine National Police, Department of Justice, mga barangay, civic groups, at iba pang stakeholders.

Ang huling destruction activity ay ginanap noong Marso 9, 2022.

Isinasagawa naman ito ng PDEA mula pa noong 2014.