-- Advertisements --

BAGUIO- Binunot at sinunog ng mga awtoridad ang P42-million na halaga ng marijuana sa tatlong araw na operasyon ng mga ito sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga mula Hulyo 28 hanggang 30.

Nadiskubre rin ng operatiba ang 8,000 square meter na plantasyon ng 210,000 na piraso ng marijuana.

Naisagawa ang nasabing operasyon sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng PDEA-Cordillera at pulisya sa Kalinga.

Ayon sa report, nakatanggap ng report ang mga otoridad mula sa mga residente hinggil sa nakita nilang plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar.

Dahil dito,agad na nagresponde ang mga awtoridad kung saan sinunog nila ang mga nabunot nilang marijuana sa nasabing lugar.

Gayunman walang nahuling indibidual sa operasyon ng mga otoridad.