-- Advertisements --
ndrrmc 1

Tinurn-over na nang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang natititing P42 million donated funds para sa Yolanda victims para sa ongoing water system project sa resettlement site sa Tacloban City.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at NDRRMC Executive Director USec Ricardo Jalad ang turn-over ng pera patungo sa pamunuan ng Leyte Metropolitan Water District (LMWD) sa pangunguna ng General manager na si Mr. Pastor Homeres.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas na ang nasabing pondo ay gagamitin para sa procurement at installation ng nasa 14,000 units water meters na ikakabit sa mga bahay sa resettlement area sa Tacloban City.

Sa ngayon kasi ang LMWD sa tulong ng Local Water Utilities Authority (LWUA) ay kasalukuyang may kino-construct na water supply system para mabigyan ng sapat na supply ng tubig ang mga nakatira sa resettlement sites.

Pero dahil sa kulang ang pondo ng Leyte Metropolitan Water District humiling sila ng pinansiyal na tulong sa NDRRMC para makumpleto na ang nasabing proyekto.

Paliwanag naman ni Posadas na dahil wala na umanong claimants para sa financial assistance, ang natitirang donated funds ay kanila na lamang dinonate para sa nasabing proyekto kung saan ang mga naging biktima ng Bagyong Yolanda ang magbe benefits nito.