-- Advertisements --
Minamadali na ng Department of Agriculture ang mga proseso para maibenta na ang P42 per kilo na bigas sa ilan pang mga pamilihan sa Metro Manila.
Kinumpirma ito ng ahensya sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo dahil sa paniniwalang hindi ito viable na pangmatagalang solusyon para mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Batay sa kasalukuyang datos, mabibili ang well-milled ng bigas sa P45 hanggang P55 per kilo.
Ayon sa ahensya, mayroong pangangailangan na maipatupad ang naturang programa.
Aniya, nakita ang hindi pagbaba ng presyo ng bigas sa kabila ng pagpapalabas ng Executive Order 62 na layong bawasan ang taripa sa mga imported na bigas.
Iaanunsyo naman ng DA ang eksaktong araw kung kailan ipapatupad ang P42 per kilo na bigas.