BAGUIO CITY – Matagumpay na binunot at sinira ng mga awtoridad ang P45.2-M na halaga ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay PCol. Job Russel Balaquit, hepe ng Kalinga Police Provincial Office, isinagawa ang marijuana eradication sa limang lugar na may lawak na 17,100 square meters sa Barangay Buscalan at Mt. Bato sa Barangay Loccong.
Inihayag niyang binunot ng pinagsamang pwersa ng mga awtoridad ang 196,000 na fully-grown marijuana plants.
Sinabi niyang nadiskubre din nila sa isang kubo ang 50,000 na gramo ng napatuyong marijuana.
Gayunpaman, bigo ang mga awtoridad na makahuli ng marijuana cultivator.
Nagkaisa ang mga kasapi ng Cordillera Police, Kalinga PPO, 503rd Infantry Brigade, NBI-Region2 at PDEA-Region2 sa nasabing marijuana eradication.