BAGUIO CITY – Sinira ng mga otoridad ang P45.915-M na halaga ng mga marijuana sa magkahiwalay na marijuana eradication operations sa Palwa, Sagpat, Kibungan, Benguet nitong Biyernes, June 4.
Isinagawa ang operasyon kasunod ng intelligence report ng intel personnel ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office Cordillera ukol sa taniman ng mga marijuana sa nasabing lugar.
Umabot sa 7,000 na piraso ng mga fully-grown marijuana plants ang binunot sa unang plantation site habang 5,950 na piraso ng mga fully-grown marijuana plants ang binunot sa ikalawang plantation site.
Nadiskobre pa ang 12 na sako ng mga pinatuyong dahon, binhi at tangkay ng marijuana sa higit kumulang 300 metro mula sa mga plantation sites.
Gayunman, walang nahuling marijuana cultivators sa kasagsagan ng operasyon.