Muling nagbabala ang Bureau of Customs (BoC) laban sa mga iligal na nag-i-import ng mga mamahaling sasakyan sa bansa na masasayang lamang ang mga ito pagdating sa Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng pagsira ng BoC sa mga luxury cars kasabay ng ika-119 founding anniversary ng Customs, Port Area sa Maynila.
Ang 10 mamahaling sasakyan ay nagkakahalaga lahat ng P45.243 million.
Kinabibilangan ito ng isang unit ng second hand Ford F-150 Super SVT Can Raptor Pick Up, 1-unit brand new 2015 Toyota Landcruiser, 1-unit used 2007 Bentley Continental GT, 1-unit brand new Hyundai Starex, 1-unit used Renault Black Van at limang units of nagamit nang motor vehicles na kinabibilangan ng 1-unit Land Rover 2012, 1-unit Range Rover Evoque 2019, 1-unit Porsche 911, 1-unit Mercedes Benz, 1-unit Alfa Romeo.
Sabay-sabay na sinara ang mga sasakyan sa Manila at Port of Cebu.