CEBU CITY – Nasamsam ng mga otoridad ang anim na kilo ng hinihinalang iligal na droga at nagkakahalaga ng P45-milyon sa isang buy-bust operation sa Sitio Fatima Homes, Brgy. Inayawan, Cebu City.
Kinalala ng mga operatiba ang mga dinakip na sina Renante Tacatani, 39, at Reynaldo Siit Atillo, 47.
Nakuha galing sa mga suspek ang 6.1 kilo na “high-grade” na shabu na may tinatayang halaga na P41.48-milyon.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na si Tacatani ay isang driver technician mula sa Inayawan habang si Atillo ay isang taxi driver mula sa lungsod ng Naga, Cebu.
Itinuturing na mga high-value target ang mga suspek at pinaniniwalaang mayroong pang ibang koneksyon.
Ayon pa sa mga hepe ng Cebu City Police Office (CCPO) at ng Regional Director ng Police Regional Office (PRO)-7, posibleng may kasabwat ang mga nakakulong matapos pagdudahan na ang mga iligal na droga na nakuha mula sa mga suspek ay imported.
Inayos na ngayun ng CCPO ang kasong kakaharapin ng dalawang suspek sa paglabag nito sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.