-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ito ng halos P50 billion noong nakalipas na taon para pondohan ang mga programa na idinisenyong gamitin para sa mga indibidwal at pamilya sa panahon ng krisis.

Ayon kay Budget Secretary Mina Pangandaman, nakapag-disburse ang Protective Services of Individuals and Families in Difficult Circumstances program ng kabuuang P47.54 billion mula noong Enero hanggang Disyembre 2023.

Kabilang sa programa ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), isa sa pangunahing programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng medical, funeral, educational, transportation, food, at cash assistance.

Para ngayong taong 2024 naman nasa kabuuang P34.27 billion ang inilaan para sa parehong mga programa sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

Target na mabenepisyuhan sa naturang pondo ang nasa 3.9 million benepisyaryo sa buong bansa.