Aabot sa higit 48 milyon pesos ang halaga ng mga iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group noong nakalipas na buwan ng Hulyo.
Ito ay resulta ng kanilang walang humpay na operasyon laban sa ilegal na droga.
Sa isang pahayag, sinabi ni PDEG Director Police Brig. Gen. Eleazar Matta , aabot sa 54 ang bilang ng kanilang isinagawang intelligence-driven operations.
Ang bilang na ito ay binubuo ng 27 buy-bust operation. 4 na paghahain ng search warrant, 2 marijuana operation, at 19 na paghahain ng arrest warrant .
Nagresulta naman ang bilang ng mga operasyon sa pagkakahuli sa 61 drug personalities ang naaresto, pagkumpiska ng 5,389 grams ng shabu, 232 pcs ng ecstasy, 640 grams ng ketamine, 33,000 marijuana plants,818.60 gram ng pinatuyong dahon ng marijuana at iba pang produktong marijuana.
Nagpaabot naman ito ng pagbati sa kanyang mga tauhan dahil sa tagumpay na ito.