-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naaresto ang isang senior citizen sa anti-drug operation ng mga otoridad sa Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si Sittie Omar Luman na residente ng lungsod ng Cotabato.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation nang mahuli nila ang suspek.

Narekober sa posisyon ni Luman ang 15 malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng 5.1 milyon pesos,buybust money at mga drug paraphernalia.

Samantala,nahuli din ang isang Barangay kagawad na si Jahir Guiapal alyas Jhonnylong na high value target ng PDEA-BARMM sa SPDA Compound Brgy Poblacion Buluan Maguindanao at nakuha sa kanyang posisyon ang 20 grams na shabu na may street value na 136K.

Sinampahan na ng kaso ang mga suspek na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.