LEGAZPI CITY – Nakatanggap ang lalawigan ng Albay ng P5.1 milyon na pondo na gagamitin para sa mga disaster program sa mga lugar na naaapektuhan tuwing nag-aalburuto ang bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) head Dr. Cedric Daep, mula umano ang nasabing pondo sa funding support ng bansang Myanmar na gagamitin sa training programs ng mga local government units (LGUs) na nasa paligid ng bulkan.
Ayon kay Daep, tuturuan ang mga barangay officials ng mga dapat na gawin at kung papaano gamitin ang mga emergency equipments sa panahon ng kalamidad.
Kabilang rin sa paggagamitan ng pondo ang permanenteng paglilipat sa mga residenteng nakatira malapit sa bulkan papunta sa mas ligtas na lugar.
Maalalang taong 2018 ng unang magpakita ng aktibidad ang bulkang Mayon na hindi pa rin humuhupa at nananatiling nakataas sa Alert level 2 hanggang sa ngayon.