Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong buwan ang pamamahagi sa P5.2 billion cash aid para sa mga beneficiaries sa ilalim ng Targeted Cash Transfer program.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development Undersecretary Edu Panay, ito na ang ikatlong tranche ng ayuda na ipapamahagi ng pamahalaan.
Nauna nang inihayag ng Department of Budget and Management noong Martes na nailabas na nila ang nasabing halaga ng pondo upang mai-cover nito ang one-month requirement program ng ahensiya.
Nasa 12.4 million ng Targeted Cash Transfer beneficiaries ang makatanggap ng P500 kada buwan sa loob ng anim na buwan sa ilalim ng nasabing programa.
Ang nasabing programa ay tulong sa mga mamamayan na apektado ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo at iba pang non-fuel commodities sa mga mahihinang populasyon.