-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Aabot sa halagang P5.3 milyon na endangered Agarwoods ang na-intercept ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Caraga na ipapadala sana sa Kamaynilaan.

Sinusabaybayan na ngayon ng pulisya ang limang katao na nagpadala ang 17.9-kilong mga wood chips na ikinarga sa limang mga kahon sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) Butuan na idineklara na wood gift at idinaan sa Bancasi Airport sa lungsod ng Butuan.

Nalaman pa na pagdating daw sana nito sa Maynila ay kaagad naman itong ipapadala sa Oman sa Middle East.

Inihanda na rin nila ang kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Act of 2002 na isasampa laban sa mga nagpapadala sa nasabing mga kontrabando.