Nasa isang kilong brick na hinihinalaang cocaine na nagkakahalaga ng P5.3 million ang narekober ng isang mangingisda sa karagatan ng Barangay Langil, Mohamad Ajul sa Basilan na palutang lutang.
Sa report ng PNP BARMM sa Camp Crame, dakong alas-8:00 ng umaga kahapon nang marekober ang nasabing brick.
Agad na ini-report ng mga mangingisda sa mga otoridad ang nasabing rectangular brick na nakabalot sa cellophane tape.
Rumisponde naman kaagad ang mga otoridad na pinangungunahan ng Lamitan police station kasama ang 140th RMFC at 19 SFC ng 4SF BN sa lugar.
Dito tumambad sa mga otoridad ang isang brick ng cocaine na agad ding na-turn over sa PDEA ang nasabing cocaine.
Iniimbestigahan na rin ngayon kung saan posibleng nagmula ang narekober na brick ng iligal na droga.