Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagwasak sa nasa P5.36 billion halaga ng illegal na droga.
Isinagawa ang pagwasak ng mga ito sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Trece Martires City, Cavite nuong January 20, 2022.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagsira sa mga nasabing illegal drugs ay hindi na kailangan bilang ebidensiya sa korte at compliance din ito sa guidelines na itinakda on the custody and disposition of seized dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Dangerous Drugs Board Resolution No. 1, Series of 2002.
Ilang mga matataas na opisyal mula sa PDEA, Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dumalo at tumunghay sa isinagawang pagwasak ng mga drug evidence.
Sisirain ang mga nasabing iligal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition or thermolysis kung saan nawawasak ang mga kemikal dahil sa matinding temperatura na nasa 1,000 degrees centigrade.
Ayon kay Villanueva, ang mga nakumpiskang iligal na droga na kanilang winasak ay katuwang nila ang PNP sa kanilang operasyon.
Ipinangako naman ni Villanueva kay Pangulong Rodrigo Duterte na bago siya bumaba sa pwesto ay walang maiiwan na drug evidence sa kanilang inventory.
Aminado naman si Villanueva na dahil sa nararanasang pandemya ay hirap ang mga korte na magbigay ng approval para sa mga naka imbak na drug evidence.
” Ang inyong PDEA ay patuloy at masigasig na gagampanan ang aming trabaho para makamtan natin ang isang Pilipinas na ligtas sa iligal na droga,” pahayag ni Villanueva.