-- Advertisements --
Aabot sa P5.5 milyon halaga ng droga ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport.
Sinabi ni Port of Manila district collector Mimel Talusan na binubuo ito ng 1,490 na tableta ng Ecstacy, 3,320 tableta ng Valium at 1,850 grams kush weeds o high grade marijuana.
Dagdag pa ang mga package ay unang naideklara bilang snacks o tortilla chips.
Ang nasabing mga kontrabando ay mula sa US, Australia, United Arab Emirates (Abu Dhabi), Germany, Saudi Arabia, France, Sweden, Spain at United Kingdom.