BUTUAN CITY – Sinuri na ng forensic unit ng Surigao del Sur-Philippine National Police Drug Enforcement Unit o PDEU ang isang brick ng suspected cocaine na may timbang na isang kilo at nagkakahalaga ng 5.89-milyong piso na narekober ng dawalang mangingisda sa laot ng Brgy. Bongtud, Tandag City, Surigao del Sur.
Ayon kay PCol. Harry Dominggo, provincial director ng Surigao del Sur Police Provincial Office, ipina-alam kaagad ito kay Surigao del Sur Governor Alexander ‘Ayek’ Pimentel.
Ayon sa opisyal, kanilang aalamin kung may drug syndicate ba sa kanilang lalawigan ialo na’t may ganito na ring insidente noong 2019.
Inatasan na rin niya ang lahat ng mga hepe ng pulisya sa kanilang area of responsibility na makikipag-ugnayan sa mga mangingisda upang malaman kung may ganito pa pang ilegal na druga ang narekober o kaya’y marerekober pa.