Sumampa na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño.
Pinaka malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000.
Batay sa datos, nasa 58,000 hectares naman ng palayan ang lubhang naapektuhan dahil sa matinding tag-tuyot.
Samantala, iniualat naman ng DA na umabot na sa P2.18 billion pesos ang naipamahaging ayuda at interventions ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensya ng gobyerno sa mga magsasaka na apektado ng tagtuyot.
Kabilang dito ang rice farmers financial assistance o ang pamamahagi ng 5,000 pesos sa bawat magsasaka na may sinasakang palayan na hindi tataas sa dalawang ektarya.
Nakapamahagi na rin ng P700 million pesos na halaga ng mga inputs tulad ng pump and engine, P68 million naman ang naipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation para sa indemnification o insurance claim, at mahigit P10 milyon naman ang naipamahagi ng
Agricultural and Credit Policy Coucil para sa Survival at Recovery loan.
Ang National Irrigation Administration o NIA ay may inilabas na ring 300 million pesos para sa intervention sa mga irigasyon.