VIGAN CITY – Nasa P5 billion supplemental budget ang hinihiling ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para may karagdagang pantustos sa mga pangangailangan ng mga mapapauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) galing sa ibang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Administrator Hans Leo Cacdac, 1,500 OFWs ang dumadating araw-araw at ang pondo ay magagamit sa accommodation, transport, pagkain at hanapbuhay na maibibigay sa kanila.
Kaugnay nito, umaasa ang ahensya na sa lalong madaling panahon ay aaprubahan agad ng Kongreso ang hiling nila upang mapabilis ang proseso ng pagtulong sa mga OFW.
Nagpapatuloy naman ang pagbibigay nila ng P10,000 na tulong pinansyal sa mga repatriated OFW at aniya, sa ngayon ay mahigit 60,000 na ang kanilang napauwi simula noong May 15.