-- Advertisements --

Nagsimula ng matanggap ng aabot sa 2.38 million magsasaka ng palay ang tig-P5,000 bawa isa na tulong pinansiyal mula sa sobrang nakolektang taripa mula sa Rice Farmers Financial Assistance program.

Ang naturang programa ay isang unconditional financial assistance para sa maliliit na rice farmers na nagsasaka ng mababa sa 2 ektarya.

Ang naturang cash grant din ay ipinag-uutos sa ilalim ng RA. No. 11598 o ang Cash Assistance to filipino Farmers Act of 2021.

Pinopondohan ang programang ito sa pamamagitan ng pagkolekta ng labis na taripa mula sa inangkat na mga bigas noong 2022 na nasa kabuuang P12.7 billion.

Sa kasalukuyan, na-credit na sa account ng halos kalahating milyon ng mga magsasaka ang kanilang cash aid.

Maaari namang gugulin ng mga rice farmer ang naturang cash grant para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.