-- Advertisements --
Boracay solar banca
Boracay Island solar banca

KALIBO, Aklan – Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtanggap ng electric vehicles na donasyon mula sa isang malaking kompaniya para sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF).

Malugod na tinanggap ni Environment Secretary Roy Cimatu ang tatlong electric motorcycle vehicles, tig-isang solar rescue van at solar banca sa turn-over ceremony na isinagawa sa front beach na dinaluhan ng local government unit (LGU) ng Malay at iba pang stakeholders.

Ang naturang mga behikulo ay nagkakahalaga ng mahigit sa P5 milyon na gagamitin sa mga rescue operations ng task force sa isla.

boracay DENR cimatu
DENR Secretary Roy Cimatu testing the electric motorcycle vehicles

Sa pamamagitan umano nito ay unti-unti ng makakamit ang inaasam-asam na maging “free from pollution” ang Boracay dahil ang naturang mga sasakyan ay environment- friendly dulot ng hindi ito ginagamitan ng gasolina o diesel.