-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Inihahanda na ng mga opisyal sa Catanduanes ang gagawing inspeksyon sa karagatang sakop nito matapos matagpuan ang isa na namang pinaghihinalaan na floating cocaine sa bahagi ng bayan ng Baras.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Lt. Michael Albania, hepe ng Baras PNP na agad itinurn over sa kanilang tanggapan ng mangingisdang si John Anthony Tabinas, 27, ang isang brown package na kanya umanong nakitang palutang-lutang sa dagat habang siya’y namamalaot.

Batay sa inisyal na pagsusuri, nagkakahalaga ng P5-milyon ang suspected cocaine.

Kumbinsido ang pulisya na may kinalaman sa mga naunang floating cocaine na nasabat sa ibang bahagi ng Bicol region ang panibagong kaso.

Sa ngayon nakatakdang dalhin ng otoridad sa PNP Crime Laboratory ang pakete para sa malalimang pagsisiyasat.