Tinatayang nasa isang kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P5-milyon ang nasabat sa isinagawang buy-bust operations ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sampaguita Street, Maligaya Park Subdivision, Novaliches, Quezon City bandang alas-2:55 nitong Miyerkules ng hapon.
Nakilala ang tatlong naarestong drug personalities na nahulihan ng shabu na sina Harijatul Arajil, 63; Rowilyn Tillo, 33; at 17-anyos na menor de edad na pawang mga residente ng Pasong Putik ng nassabing lugar.
Matagal na umanong minamanmanan ng PDEA ang mga nasabing mga indibidwal.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang tatlong suspek habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa mga ito.