Mahaharap sa mas mabigat na parusa ang mga hospital na hindi tatalima sa Anti-Hospital Deposit Law (RA 10932).
Sa House Bill 3046 na inihain ni Davao City Rep. Paolo Duterte, nakasaad na mula sa P1 milyong piso multa ay itataas na sa P5 milyon sa mga ospital at klinika na humihingi ng deposito bago tulungan ang mga taong nanganganib ang buhay.
Ang empleyado o medical practitioner na lalabag sa Anti-Hospital Deposit Law ay pagmumultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon at kulong na apat hanggang anim na taon.
Kung ang paglabag ay dahil sa polisiya ng ospital, ang direktor o opisyal na gumawa nito ay maaaring makulong ng anim hanggang 12 taon at pagmultahin ng P2 milyon hanggang P5 milyon.
Oras naman na matukoy na tatlong beses nang lumabag ang pasilidad ay kakanselahin na ang permit to operate nito.
Itinutulak din sa panukala ang pagtatag ng isang hotline para maging sumbungan.
Paliwanag ni Duterte sa paghahain ng panukala,limang taon mula nang mapagtibay ang batas ay mayroon pa ring mga reklamo kaugnay ng mga humihingi ng deposit bago asikasuhin ang pasyente kahit nag-aagaw buhay na ito.
” The (Anti-Hospital Law) asserts the rights of an individual to be admitted to any hospital and be given basic emergency care without being asked to hand over an advance payment outright. This is in consonance with the Hipporactic Oath that physicians take, pledging to help the sick to the best of their ability and knowledge,” pahayag ni Rep. Duterte.