-- Advertisements --

Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang pagtatayo ng alternatibong ruta mula Barangay Lucao sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Inaasahang makikinabang ang mga residente at motorista sa kalahating kilometrong Lucao Road na magpapagaan ng matinding trapiko, partikular na t’wing rush hours.

Ang proyekto ay ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Pangasinan Second District Engineering Office sa pangunguna ni District Engineer Edita L. Manuel.

Ang naturang proyektong ito na itinayo sa ilalim ng General Appropriation Act of 2023 na nagkakahalaga ng aabot sa P4,948,484.76

Dahil dito, posibleng mabawasan na ang oras ng byahe mula sa karaniwang 45 minutes o isang oras ay magiging 20 hanggang 30 minuto na lamang ito.