-- Advertisements --

Kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na may nakalaang pabuya sa makakapagturo sa mastermind at pumaslang kay Negros Oriental Mindoro Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Secretary Remulla na ang nasabing pabuya ay mula sa gobyerno. Layon nito na agad mahuli at matukoy kung sino ang nasa likod sa pagpaslang sa gobernador.

Una ng nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong Marcos at sinabing hindi sila titigil para makuha ang hustisya sa kaibigang gobernador na nabawian ng buhay.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng National Bureau of investigation (NBI) ang nasabing insidente.

Siniguro naman ng PNP hindi sila titigil hanggat hindi nahuhuli ang mga salarin at mananagot ang mga ito sa batas.