Kinumpirma ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na P5 milyon ang ransom na hinihingi ng mga kidnappers sa dalawang babaeng pulis na bihag ng mga ito sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Albayalde on-going ang negotiations ng local chief executives sa mga kidnappers.
Ang dalawang pulis na kinilalang sina Police Officer 2 Benierose Alvarez, Police Officer 1 Dinah Gumahad, ay dinukot ng armading grupo sa Bgy Liang, Patikul, Sulu matapos manggaling sa camp Teodulfo Bautista noong Linggo, Abril 29, ng hapon.
Kasamang dinukot ang dalawang sibilyan na kinilala namang sina Jakosalem Ahamad Blas at Faizal Ahidji.
Nilinaw ni Albayalde na ang hinihinging ransom ay para sa dalawang pulis lang.
Hindi naman na nito binanggit pa kung may binigay na deadline ang mga kidnappers.
Ayon kay Albayalde, nakatanggap ng “proof of life†ang Provincial Director ng Sulu ngayong umaga lang.
Binigyang diin naman ni Albayalde na mahigpit pa rin nila ipinapatupad ang no ransom policy.