Nilinaw ngayon ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na hindi mapupunta sa mga pulis ang reward money na ibinibigay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga tinaguriang ninja cops.
Paliwanag ni Albayalde, ang pagbibigay ng bounty ng Pangulo ay para sa mga sibilyan na magbibigay ng impormasyon.
Hindi aniya pwedeng patayin ng mga sibilyan ang mga ninja cops para makakuha ng reward.
Ayon sa PNP Ccief, hindi rin kuwalupikado sa award ang mga pulis dahil baka naman wala nang atupagin ang mga pulis kundi maging bounty hunter ng mga ninja cops.
Sinabi ni Albayalde na ang mga kwalipikado sa P5 million reward ay mga sibilyan na magbibigaya ng impormasyon sa PNP na magreresulta sa pag-nuetralize sa mga ninja cops.
Pero paalala ni PNP chief, dapat ay isumbong ng mga civilian sa pulis ang kanilang nalalaman at hindi pwedeng sila mismo ang humuli o pumatay sa mga ninja cops.
“We welcome the monetary reward offered by President Rodrigo Duterte for the neutralization of more ninja cops from the police force. This will encourage the public to provide us more information. However, even without an offer of reward the PNP will continue aggressive counter-intelligence operations against these so-called Ninja cops,” pahayag ni Albayalde.