Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act of 2022 o ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng P5.024-trillion.
Sinabi ni Pangulong Duterte, labis niyang pinasasalamatan ang mga miyembro ng Kongreso sa napapanahong pagratipika sa nasabing pambansang budget.
Ayon kay Pangulong Duterte, kanya ring kinikilala ang pagsisikap ng mga government agencies, mga civil society partners at iba pang public servants na nakibahagi sa pagbuo ng napakahalagang batas.
Inihayag ni Pangulong Duterte na krusyal ang national budget lalo sa panahon ng COVID-19 pandemic at iba pang hamong kinakaharap ng bansa.
“I want to express my appreciation to the members of Congress for ensuring the timely ratification of the more than P5-trillion national budget,” ani Pangulong Duterte.
“I also recognize the efforts of our government agencies, our partners in civil society and other public servants who took part in the crafting of this important legislation.”
Tiniyak naman ng Chief Executive ang maingat na paggastos sa pera ng taongbayan.