BAGUIO CITY – Binunot at sinira ng mga otoridad ang kabuuang P50.3-milyong halaga ng mga fully-grown marijuana plants sa kanilang operasyon sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera regional director Edgar Apalla, nadiskubre ang 251,500 piraso ng mga marijuana mula 18 na plantation sites na may kabuuang lawak na 18,300 metro kwadrado sa nasabing barangay.
Aniya, isinagawa ang three-day operation noong Martes hanggang Huwebes.
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo kay PDEA-Cordillera Plans and Operations Division chief Seymour Sanchez, sinabi niya na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para maihinto na ang pagtatanim ng mga marijuana sa nasasakupan ng rehiyon.
Dinagdag niya na tinututukan nila ang lalawigan ng Kalinga ngayon sa kabila ng kawalan ng mga nahuhuli nilang marijuana cultivators.