Ibinida ng House Quad Committee ang accomplishment ng Marcos administration kung saan umabot sa P49.82 billion halaga ng illegal drugs ang nasabat kumpara sa war on drugs ng Duterte administration kumpara sa “bloody drug war” ng Duterte administration nasa P25.195 billion ang nasabat.
Ayon kay House Quad Committee lead chair Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang nasabing datos ay nakuha mula sa official report ng PDEA, PNP at NBI.
Sabi pa ni Barbers ang nasabing datos ay kabaliktaran sa mga pahayag ng dating administrasyon na matagumpay ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Sa Marcos administration mahigit 800 na mga drug suspeks ang nasawi habang sa ilalim ng Duterte government at umabot sa mahigit 20,000 extrajudicial killings.
Sa panig naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin sinabi nito na bumaba ang krimen sa bansa dahil napanatili ang peace and order sa bansa.
Binigyang-diin ni Barbers na bagamat pareho ang layunin ng dalawang administrasyon na labanan ang iligal na droga at panatilihin ang peace and order, ang approach ng dating administrasyon ay agresibo at marahas.