-- Advertisements --
Mahigit P50 milyong halaga ng mga bary at mamahaling mga sasakyan ang tumabad sa ginawang raid ng mga otoridad sa isang bahay sa Barangay Laging Handa, Quezon City.
Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) transnational crimes division, Bureau of Customs (BOC) at Bangko Sentral ng Pilipinas ang nasabing operasyon.
Bago isagawa aniya ang operasyon ay umabot pa sa mahigit 2 buwan ang ginawang surveillance sa lugar.
Wala ideya ang mga otoridad kung bakit mayroong ganung halagang barya at ang 11 luxury vehicles na wala umanong mga kaukulang papeles.