-- Advertisements --

Nag-alok ang National Bureau of Investigation (NBI) ng P50,000 rewards sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng isang Alice Leal Guo na nakatira umano sa Quezon City.

Nais ng NBI na matanong ang nasabing indibidwal ukol sa isinasagawang imbestigasyon sa senado.

Una ng lumabas sa NBI Clearance records na mayroong dalawang babae na may pangalang Alice Leal Guo na isa ay mula sa Bamban , Tarlac at isa sa Quezon City.

Sinabi naman ni NBI director Jaime Santiago na maraming katanungan ang nais nilang malinawan.

Hinala din ni Santiago na maaring may nag-utos sa babae na kumuha ng NBI clearance gamit ang pangalang Alice Leal Guo na ang kaarawan ay sa Hulyo 12,1986 at isinilang sa Tarlac.