Umabot sa $1,000,000 o nasa P50,000,000.00 ang kabuuang nagastos ng U.S. Department of Defense (DOD) nuong 2019 sa mga isinagawang joint military exercises sa Pilipinas nuong 2019.
Ayon sa US Embassy, magpapatuloy ang kanilang tulong sa Pilipinas bilang kaalyadong bansa.
Kahit tinapos na ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika, nagkaroon pa ng joint exchange training ang mga sundalong Special Forces at Kano na isinagawa sa Palawan.
Sa sandaling ma finalize na ang termination ng VFA wala ng joint exercises ang magaganap sa pagitan ng US at Pilipinas.
Sa Press release na inilabas ng US Embassy nagsagawa ng counter insurgency training ang US at Philippine Forces simula nitong buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Pebrero sa Palawan.
Naka sentro ang nasabing military exercises sa pagpapaangat pa ng counterterrorism, tactical at skills ng US Army Special Operations Forces at elite contingents ng AFP Philippine Army ang 18th Special Forces Company.
Ang nasabing pagsasanay ay pinondohan ng U.S. Department of Defense (DOD) na aabot sa halagang P5,000,000 o nasa $100,000.