-- Advertisements --

Nasa P50 milyong halaga ng mga peke at smuggled na produkto ang nakumpiska ng mga Bureau of Customs (BOC) sa isang mall sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa BOC na matapos na makatanggap sila ng ulat na nagbebenta ng mga peke at smuggled na mga produkto ay agad nilang tinungo ang lugar.

Sinira ng BOC ang halos 70 na mga storage units ng mall at lumantad ang mga peke at mga smuggled na mga gamit.

Binubuo ito ng mga pekeng damit, accessories, computers , electronic equipments at mga videoke machines.

Dagdag pa ng BOC na Ilang buwan nilang minanmanan ang establishimento.

Nagsagawa pa ang mga ito ng test buy at ng makumpirma ay doon na ikinasa ang nasabing operasyon.

Hinihintay naman ng BOC ang may-ari kung mayroong maipapakitang mga kaukulang dokumento ang mga ito.

Nagbabala rin ang BOC na baka maging sanhi pa ito ng aksidente ang nasabing mga pekeng gamit at gadgets.

Isasabay ng BOC na sisirain ang mga nakumpiskang smuggled at pekeng gamit sa mga nauna nilang mga nakumpiska nila noong nakaraang mga buwan.