-- Advertisements --

VIGAN CITY – Aabot na sa P50 million ang halaga ng mga napinsalang mga bahay at ibang istraktura sa lalawigan ng Ilocos Sur matapos ang intensity VI na lindol.

Sa report nanakalap ng Bombo Radyo Vigan mula kay Governor Jerry Singson, patuloy ang kanilang pagkalap ng mga detalye kung magkano ang naging danyos sa nangyari lindol.

Asahan umano na sa mga susunod na araw ay tataas ang nasabing numero.

Sa nasabing halaga 980 partially at 21 totally damage houses sa lalawigan at ibang istraktura hindi pa kasama ang mga pinsala sa mga ancestral houses, tourist spot at ibang mga national buildings and structure.

Karamihan sa mga residente ng iba’t-ibang bayan ay ginustong manatili sa labas ng mga evacuation center o sa kanialang mga kamaganak na aabot sa 7,001 na pamilya at 961 na pamilya ang nanatili sa loob ng evacuation center.

Sa siudad ng Vigan target ni Mayor Jose “Bonito” Singson Jr na maibalik sa lunes ang normal na operasyon ng siudad matapos tamaan ng pagyanig.

Agad na ipinagutos ni Mayor Singson ang pag-inspeksyon sa 50 heritage houses mula sa kabuuang 190 na lumang bahay na lubhang apektado ng lindol.

Sa mantala ipinaalam ng Ilocos Sur Electric Cooperative na fully restored na ang kuryente sa lalawigan kung saan nakapagtala umano ang kooperatiba ng mahigit 450k na danyos sa linya ng kuryente.