-- Advertisements --

Magbubukas na ang P50-million na gusali ng Office of the Governor of Dinagat Islands, isang replica ng World War II Japanese Battleship Yamashiro sa Disyembre 1.

Sinabi ni Governor Nilo Demerey Jr. na ang Japan, noong panahon ng pandemya at pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre 2021, ay nag-donate ng humigit-kumulang P700 milyon para sa pagbangon ng isla at mga residente nito mula sa kalamidad.

Ang gusali, aniya, ay magsisilbi ring tanda ng pagpapahalaga sa patuloy na pagtulong ng Japan sa mga mamamayan ng Dinagat Islands.

Ang Yamashiro ay ang flasghip ng pitong barkong pandigma ng Hapon na humarap sa Seventh Fleet ng Estados Unidos sa suporta ng Australian gun cruiser, ang HMAS Shropshire, at destroyer, ang HMAS Arunta, noong Battle of Surigao Strait noong Okt. 25, 1944 .

Si Vice Admiral Shoji Nishimura, pinuno ng Southern Force ng Japan, ay nasa Yamashiro noong pinamunuan niya ang fleet ng Japan sa panahon ng labanan.

Si Nishimura ay kabilang sa mahigit 4,000 Japanese navy men na namatay matapos ang Yamashiro at limang iba pang barko ay nawasak sa labanan.

Una na rito, ang Yamashiro ay lumubog sa paligid ng Hibosong Island sa bayan ng Loreto sa Dinagat Island.