CAGAYAN DE ORO CITY – Winasak at ibinaon sa lupa ang nasa P50 milyon na halaga ng smuggled cigarettes na unang ipinuslit ng isang consignee mula China sa pasilidad ng Terra Cycliq Corporation sa Barangay Mantibugao,Manolo Fortich, Bukidnon.
Ito ay matapos tuluyan nang kinasuhan ng paglabag sa mga probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act ang consignee na Denian Dry Goods Trading dahil sa ginawa na pagpapalusot ng nasa 85,000 reams ng klase-klaseng sigarilyo na kunwaring office furnitures na dumaong sa Mindanao Container Terminal na nakabase sa Tagoloan, Misamis Oriental noong taong 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni BoC-10 spokesperson Angelo Andrade na unang dumating ang kontrabando sa daungan Setyembre 2020 pa at agad isinailaim sa pagdinig ng kanilang tanggapan hanggang mismo na ang central office nila ang nagsampa ng kaso laban sa consignee.
Inihayag ni Andrade na sinadya na winasak ang nabanggit na mga sigarilyo gamit ang road roller at backhoe para hindi na maipuslit pa ng mga galamay ng mga sindikato ng smuggling activities dinhi sa Mindanao.
Magugunitang noong Hunyo 2021,sinira rin ng Customs sa katulad na pasilidad ang nasa P75-M na smuggled cigarettes dahil tinangka ipinalusot ng mga sindikato sa ilang mga negosyante nitong rehiyon.