-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa kalahating milyong peso ang pinsala matapos natupok ng apoy ang tsimenea sa kusina ng Greenwich na nasa loob ng Gaisano Mall nitong lungsod ng Butuan.

Ang naturang insidente nagdulot ng pagka antala ng pagbubukas ng mall para matiyak ligtas na itong ukupahan.

Ayon kay FO3 Eric Alvin Gayon ng Bureau of Fire Protection-Butuan, natunton nila na sa tsimenea nagmula ang apoy, balikwas sa nauna nitong paniniwala na sa air conditioning unit nagmula kung saan ay kasalukuyan itong kinokompuni.