-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire and Protection (BFP) sa pinagmulan ng apoy na tumupok sa mahigit kumulang sa 300 bahay sa Purok Saeg, Calumpang sa General Santos City.

Ayon kay Fire Marshall Reginald Legaste ng BFP Gensan na itinuro na ang bahay ng isang Mariabeth naroda na pinagmulan ng sunog.

Dito ngayon nakatutok ang kanyang mga imbestigador sa pamamagitan ng pahayag ng mga residente.

Base sa pagtaya ni Legaste nasa 200 pamilya lamang ang nawalan ng bahay gayong mahigit na sa 1,000 ang nasa lista ng City Social Welfare Development Office ang mga biktima.

Isa sa residente ang nagkaruon ng first degree burn na dinala sa pagamutan. habang nagpatuloy naman ang pagdating ng tulong sa mga biktima kagaya ng food packs, gamit personal kagaya ng kulambo at gamit kusina.

Patuloy naman na nakasilong ang mga biktima sa gymansium ng barangay at ang iba naman nasa pangangalaga ng kanilang pamilya.