-- Advertisements --

ROXAS CITY – Karsel ang kinasadlakan ng walong katao sa isinagawang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency – Capiz sa San Roque St., Barangay Inzo Arnaldo Village, Roxas City.

Kinilala ang mga drug suspek na sina Jan Drew Villanueva, Jaymar Abiero, John Klent Bermejo at Julex Alisla mga residente ng Mejorada Subdivision, Barangay Inzo Arnaldo Village, Roxas City, Anthony Tullo ng San Roque St., Roxas City; Eugene Danieles ng Barangay Baybay, Roxas City; Elmer Arrojado ng Barangay Banica, Roxas City at Rogel Jose ng Burgos Ilawod, Roxas City.

Narekober ng mga pulis ang 14 ng shabu na umaabot sa 70 grams at tinatayang may market value na P500,000, drug buy bust money na P40,500 at budol money na P40,000.