KORONADAL CITY – Itinaas pa sa kalahating milyon ang reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pumaslang sa mga kasapi ng Civil Security Unit (CSU) kabilang na ang head ng mga ito sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ito ang inihayag ni Mayor Bernie Palencia matapos ang sunod sunod na insidente ng pamamaril-patay sa mga CSU sa kanilang bayan.
Ayon sa alkalde, makakatulong ng malaki ang nabanggit na pabuya upang mahanap agad ang pinagtataguan ng mga suspek.
Sa katunayan, may persons of interest na rin ang pulisya at umaasa ang alkalde na sa lalong madaling panahon mahuli ang mga ito. Aminado naman ang opisyal na malaking hamon sa kanyang administrasyon ang sunod-sunod na pagpatay sa ilang CSU member.
Sa ngayon, ayon kay Police LtCol Marvin Duadua, hepe ng Polomolok PNP, ang anggulong illegal na droga, onsehan, kotong at illegal na aktibidad ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa krimen. Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang CCTV footage sa pamamaril sa CSU head na si retired police major Donald Cabigas.
Magugunitang nasa apat na ng mga kasapi ng CSU Polomolok ang pinatay simula noong November 18, 2022 na kinabibilangan nina Adonis Dionila na binaril habang nasa posting sa sementeryo at nito lamang Enero ay dalawa ring CSU ang pinagbabaril-patay habang sakay sa kanilang motorsiklo na sina Bonifacio Cabisada, isang retired police at Jesse Arciete.
Samantala, dalawang araw lang ang nakalipas ay namatay din sa pamamaril ang bagong promote na CSU-Intel Head ng Polomolok na si Cabigas, isa ring retired habang nasa loob ng kanyang pwesto.
Kasapi ng Civil Security Unit (CSU) kabilang na ang head ng mga ito sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ito ang inihayag ni Mayor Bernie Palencia matapos ang sunod sunod na insidente ng pamamaril-patay sa mga CSU sa kanilang bayan.
Ayon sa alkalde, makakatulong ng malaki ang nabanggit na pabuya upang mahanap agad ang pinagtataguan ng mga suspek.
Sa katunayan, may persons of interest na rin ang pulisya at umaasa ang alkalde na sa lalong madaling panahon mahuli ang mga ito.
Aminado naman ang opisyal na malaking hamon sa kanyang administrasyon ang sunod-sunod na pagpatay sa ilang CSU member.