-- Advertisements --

Kinumpirma ng AFP Western Mindanao Command (Wesmincom) na isang non-government organization ang nag alok ng P500,000 pabuya kapalit sa pagka-aresto ni alias Kamah, na siyang principal suspek sa kambal na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral.

Ayon kay Wesmincom spokesperson Col. Gerry Besana malaking tulong sa pagtugis kay alias Kamah ang inalok na pabuya.

Samantala, inaalam pa ng militar kung may reward naman na ibinigay ang pamahalaan para sa pagkakaaresto kay alias Kamah.

Sa ngayon, hindi tumitigil ang militar sa pagtugis kay alias Kamah matapos makatakas sa inilunsad na opensiba ng mga security forces sa Barangay Latih,Patikul,Sulu.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon para matukoy kung ang pangalawang pagsabog ay kagagawan ng suicide bombers.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may report na Yemeno couple ang suicide bombers ng Mount Carmel Cathedral.